top of page

Requirements sa On Time Death Registration

SINO ANG PWEDENG MAGPAREHISTRO?

- Asawa, anak, magulang, kapatid

- Responsableng tao na makakapagbigay ng datos ng namatay

​

Procedure:

NAMATAY SA BAHAY

1. Dalhin ang alinmang photocopy/xerox ng sumusunod: birth, marriage, baptismal certificate ng namatay sa   

    Center/RHU I.

2. Mag-sulat sa draft form na ibibigay.

3. Basahing mabuti ang mga detalye sa na-print na Death Certificate.

         * Kapag ililibing sa ibang bayan/siyudad ang namatay, magpagawa ng Certificate of Transfer of Cadaver.

4. Magpapirma sa embalmer

5. Magpapirma sa Municipal Health Officer o sinumang medical officer sa Center.

6. Magbayad sa Treasury Office ng mga kaukulang babayarin.

7. Iparehistro ang Death Certificate sa Local Civil Registry Office

NAMATAY SA HOSPITAL/CLINIC

1. Kunin ang apat (4) na kopya ng Certificate of Death na ginawa sa hospital/clinic.

2. Basahing mabuti ang mga detalye sa na-print na Certificate of Death.

3. Magpapirma sa attending physician ng namatay.

4. Magpapirma sa embalmer.

5. Magpapirma sa Municipal Health Officer.

6. Kung ililibing sa ibang bayan/siyudad ang namatay, magpagawa ng Certificate of Transfer of Cadaver sa

     RHU (Center).

7. Magbayad sa Treasury Office ng mga kaukulang babayarin.

8. Dalhin ang mga sumusunod sa Local Civil Registry Office para sa rehistro ng Death Certificate

               - Apat (4) na kopya ng Death Certificate na ginawa sa hospital/clinic.

               - Draft form na galing sa hospital/clinic.

               - Photocopy ng birth/marriage certificate o baptismal ng namatay.

Mga kaukulang babayarin:

Burial Fee (ililibing sa Mangatarem):

80.00(Treasury Office)

Transfer Fee (kung ililibing sa ibang bayan o siyudad):

230.00(Treasury Office)

bottom of page